« October 2004 | Main | December 2004 »
November 30, 2004
ANG GAGAMBANG BADING
ang sapot
ng gagamabang bakla
ay kulot
may pilay
ang galamay niyang baluktot
Posted by batjay at 06:29 AM | Comments (4) | TrackBack
November 29, 2004
PINATUYONG ISDA
binilad ang daing
sa matinding sikat ng araw
mamayang kaunti
nagdatingan nang mga langaw.
Posted by batjay at 10:03 AM | Comments (2) | TrackBack
November 24, 2004
ANG DEMONYONG MAKULIT
may demonyo sa likod ko
kung ano ano ang kinukwento
sa sobrang kulit
ako'y nabuwisit
tinusok ko ang pwet nya ng tinidor
Posted by batjay at 06:28 AM | Comments (0) | TrackBack
November 23, 2004
ANG BOYFRIEND KONG DWENDE
ako ang maligaya
sa boyfriend kong dwende
mahaba na ang dila
ang gara pa ng bigote
Posted by batjay at 10:10 AM | Comments (0) | TrackBack
November 20, 2004
A CURSE
tamaan sana ng kidlat
o kaya sana'y magka anghit
kung sino man yon
nagsabing ako'y pangit?
Posted by batjay at 07:41 AM | Comments (0) | TrackBack
November 19, 2004
ANG PUYAT NA KALABAW
si aling patring
ay may alagang kalabaw
magdamag na gising
dahil nagpupusoy daw
Posted by batjay at 06:28 AM | Comments (2) | TrackBack
November 18, 2004
Sino ang nagpupusoy, si Aling Patring o yung kalabaw?
si aling patring ang bangka
yung kalabaw ang malakas magtaya
pareho silang tambay
ng mga lamay ng patay
Posted by batjay at 07:17 AM | Comments (0) | TrackBack
November 17, 2004
THE BALLAD OF THE SUICIDAL MOSQUITO
suicidal na lamok:
inamoy ang usok
ng sinindihan na katol.
Posted by batjay at 02:16 PM | Comments (0) | TrackBack
November 14, 2004
INA-AMAG NA HAIKU
kumain siya ng hopia
di niya alam na luma
nagkulong sa kubeta.
Posted by batjay at 02:13 PM | Comments (0) | TrackBack
November 12, 2004
"WAITER, THERE'S A FLY IN MY SOUP" HAIKU
may langaw
sa aking sabaw
lumalangoy ng paatras.
Posted by batjay at 05:33 PM | Comments (2) | TrackBack
November 11, 2004
a vagabond's limerick
i am an aimless walker
on a clueless trip.
the wind blows behind me
but i'm a rudderless ship.
where will this lead me?
i surely don't know.
it matters not really
since i don't know where to go.
don't fret my love
this is the way i feel
but i'm just talking about my morning jog, you see
so it's really no big deal.
Posted by batjay at 07:04 AM | Comments (0) | TrackBack
November 09, 2004
ANG LALAKING TINUBUAN NG BETLOG SA NOO
bagong superhero:
meet tonyo,
ang lalaking tinubuan
ng betlog sa noo.
parating nauuntog.
hirap kasi siyang makakita,
dahil may nakaharang
na betlog
sa mata niya.
malapit nang mag kwarenta,
pero virgin pa.
di pa rin nagka siyota,
magkakaroon na sana
from a blind date,
pero biglang nawala
nang makita,
ang betlog sa noo niya.
"putang ina talaga"
ang wika niya,
palay na
naging bato pa
badtrip si tonyo
sa mga pahabol
na tingin ng tao,
sa mga pangaalaska,
sa mga buntung hininga
ng mga babaeng,
parang gustong kalabitin
ang betlog niya.
Posted by batjay at 06:22 AM | Comments (0) | TrackBack
November 08, 2004
KUNG BAKIT AKO KUMAKAIN NG EXOTIC FOOD TULAD NG BULATE AT MGA IBA'T IBANG INSEKTO
when all
is eaten and done
laman tiyan din yan
Posted by batjay at 01:02 PM | Comments (0) | TrackBack
November 07, 2004
PULUTAN
AW! AW! AW!
may asong ligaw
hinampas ng tubo.
naging tuyong adobo.
Posted by batjay at 01:14 PM | Comments (2) | TrackBack
November 06, 2004
PABORITONG MIRIENDA
kaunting mais,
asin
at niyog.
binatog.
Posted by batjay at 02:25 PM | Comments (0) | TrackBack
November 05, 2004
SIZE MATTERS
ang titi
ni butiki
ay maliit,
ang asawa niya
ay nabuwisit,
tunulak siya
nang di ito nakatingin,
bumagsak siya
sa bibig
ng hikain.
Posted by batjay at 09:59 AM | Comments (0) | TrackBack
November 04, 2004
IHI NG BUTIKI
umiihi,
ang butiki
hinuli,
ng pasmadong hikain
kinain.
Posted by batjay at 09:56 AM | Comments (9) | TrackBack
November 03, 2004
D' Frog
may isang palaka
tumalon sa inodoro
nakulong sa septic tank
Posted by batjay at 09:47 AM | Comments (8) | TrackBack
November 02, 2004
crab mentality
ang talangka
tagilid maglakad
walang himala
Posted by batjay at 09:48 AM | Comments (0) | TrackBack
November 01, 2004
THE BREAK OF DAY
i woke up today
with the sun on my face
dawn broke
and delivered its hues
i don't know
why i feel this way
sunrise blues
Posted by batjay at 09:45 AM | Comments (0) | TrackBack